4 Base Projects na Sumablay Bago Sumuko si Brian Armstrong
Nagsalita na si Coinbase CEO Brian Armstrong tungkol sa “content coin” era ng Base—aminado siyang hindi ito naging successful at nagsimula na silang magbago ng direksyon simula pa noong unang bahagi ng taon. Ang Base, yung Ethereum layer-2 network na ni-launch ng Coinbase noong 2023, halos buong nakaraang taon itong humabol sa ibat ibang onchain trends. Marami ang naengganyo, pero in the end marami ring nalugi. May apat na project na talaga namang tumatak. Apat na Onchain Bet na Di Umepekto Zora: Todo push ng Base ang content-coin app na ito nang mahigit isang taon, kung saan puwedeng maging tradable token ang mga social post mo. Umangat ang activity noong boom ng coin-minting sa Zora, pero sabi ng iba, hindi talaga nabuo yung solid na user base. Creator coins: Puwedeng bumili ng tokens na naka-tie sa isang creator, at hinikayat pa nila yung mga fund na mag-invest sa creator coin index. Sabi ng mga kritiko, marami sa mga creator na ito ay hindi kilala at nabagsakan yung mga user nang bumagsak ang presyo. Team-backed tokens: Yung mga coin na directly inendorso nila Balaji Srinivasan (dating Coinbase CTO) at Base creator Jesse Pollak, nagdulot ng hype pero nauwi rin sa bagsak na price. Sabi ng isang