Apat na Russian military satellites ang dumikit sa isang Western spacecraft na nagbibigay ng intelligence kay Ukraine. Nagbabala ngayon ang commander ng space division ng Germany na puwedeng maapektuhan din ang Starlink ni Elon Musk ng ganitong taktika—at di lang sa warzone, kundi pati sa mga users na malayo sa gyera.
Noong May, apat na Russian military satellites ang sumunod sa Finnish satellite na nagbibigay ng images ng battlefield para kay Ukraine.
Kinuwento ni Major General Michael Traut, head ng German space command, na parang “hinahabol” talaga ng mga Russian spacecraft yung satellite. Sa tingin niya, puwede ring gawin yung ganitong diskarte laban sa Starlink.
Germany's space commander warns russia could wear down Starlink without firing a shot so, remember, continuing to provide aid to Ukraine comes at a very high cost to SpaceX.
Maj. Gen. Michael Traut, head of German Space Command, told Reuters that russia's maneuvering of four… pic.twitter.com/46QWbSZ9zJ
— Eva Fo???? ???? Claudius Nero's Legion (@EvaFox) October 9, 2026
Paano Pwedeng Guluhin ng Russia ang Starlink Kahit Walang Barilan
Sinabi ni Traut na puwedeng gumamit ang Moscow ng tinatawag na “grey-zone” tactics para guluhin ang Starlink — nang hindi umabot sa open military na bakbakan.
Nag-suggest siya ng isang posibleng senaryo:
- Papasok ang isang Russian satellite sa orbital path ng Starlink, tapos magbe-break apart ito.
- Puwedeng mapilitan ang ibang satellites na lumiko o umiwas para hindi mabangga ng debris.
Bawat galaw ng satellite ay kumu-konsumo ng fuel. Kapag paulit-ulit ang pag-iwas, puwedeng mas bumilis ang pagkaubos ng lifespan ng satellites at makaapekto ito sa internet service — pati na sa mga sibilyan na nasa labas ng Ukraine.
Sa ngayon, hypothetical pa lang ang threat na ito. Wala pang reported na Russian debris attack sa Starlink.
Pero totoong nangyari ang insidente dati sa ICEYE satellite. Sinubukan ng Finnish company na ilayo ang satellite nila sa mga Russians, pero sinundan pa rin ito.
This is wild… Russia seems to be threatening a *commercial* satellite that provides imaging services to Ukraine:
▸ starting about two weeks ago, Russia started maneuvering five (!) of their classified satellites to the same orbital inclination as the ICEYE satellite
▸ these… https://t.co/aC1akaKZGF pic.twitter.com/Xk7mC5BcoM
— Christian Keil (@pronounced_kyle) May 27, 2026
Naghahanda ang Europe sa Bagong Space Threat
Sinasabi ng Western officials na mas dumami ang panghihimasok ng Russia sa satellite systems simula nang salakayin nila ang Ukraine noong 2022. Kasama dito ang satellite shadowing at ground-based signal jamming.
Binalaan na din ng Moscow na puwedeng targetin ang mga commercial satellites na tumutulong kay Ukraine. Hindi nag-komento ang defence ministry ng Russia at SpaceX, operator ng Starlink, nang tanungin ng Reuters.
Gumagawa ang Germany ng mga inspection satellite at pinag-iisipan din nilang mag-develop ng mga orbital weapon na puwedeng guluhin ang kalaban sa space kahit hindi ito sirain. Nagpa-order na rin ang military nila ng maraming satellite para suportahan ang NATO sa east side ng Europe.
Lumalalim ang concern ng Western governments dahil sa insidenteng ito. Lalo kasing umaasa ang military nila sa mga private satellite network, pero hindi pa rin malinaw kung sino talaga ang responsible mag-protect dito.

