Pi Network Sinimulan na ang 9th Protocol Upgrade Bago Ilabas ang Final Version 27

abstrak:Pi Network's price edged up 6.66% to $0.0822 after the Pi Core Team began rolling out Protocol 26, the first of two final Mainnet upgrades, with node operators given until August 11 to complete a migration that typically takes under five minutes. This ninth protocol upgrade follows a pattern where previous upgrades, such as Protocol 25 on July 22, triggered brief price spikes but failed to sustain rallies due to ongoing supply pressure—roughly 4.25 million PI are mined daily, with 1.71 billion PI expected to enter circulation over 12 months. While the August 11 deadline may provide a short-term catalyst, past deadlines only produced momentary bounces rather than durable trends, leaving the impact of the remaining Protocol 27 upgrade uncertain.

Medyo tumaas ang presyo ng Pi Network (PI) matapos simulan ng Pi Core Team ang pag-rollout ng Protocol 26, na unang bahagi ng natitirang dalawang upgrades para sa Mainnet nila.

May deadline ang mga node operator hanggang August 11 para tapusin ang update kung gusto nilang tuloy-tuloy pa rin silang konektado sa Mainnet.

Pi Network: May Deadline ang mga Node Operator sa August 11

Inanunsyo ng Pi Core Team noong Wednesday ang rollout, at nirefer nila ang mga operator sa node page nila para sa step-by-step na instructions.

“Madali lang ang migration na ito at matatapos sa loob ng 5 minutes; sa ilang rare na kaso, mas matagal yung restart—hayaan nyo lang ito matapos. Huwag ninyong gawin sabay-sabay sa lahat ng nodes ninyo,” ayon sa instructions.

Pang-siyam na protocol upgrade na ng Pi itong Protocol 26 sa loob ng mga nakaraang buwan. Kasunod nito ang Protocol 27 na magsasara ng upgrade sequence.

Sabi ng team, itong dalawang upgrades na ito ang magpapalakas sa Mainnet dahil magdadagdag ito ng mga pinaka-latest na features at functionality ng network.

I-follow kami sa X para lagi kang updated sa crypto news

Umakyat ang PI Price Dahil sa Upgrade News, Pero Parang Laging Nauudlot ang Rally

Habang nag-a-upgrade, umangat ng bahagya ang presyo ng PI. Tumaas ng 6.66% at naging $0.0822 ito sa loob ng 24 na oras—mas mataas ito kaysa sa kabuuang crypto market na 0.71% lang ang tinaas.

Performance ng Presyo ng Pi Network (PI). Source: BeInCrypto Markets

Ganito rin ang nangyari nung naglabas sila ng mga bagong feature sa product. Umakyat pa ng higit 3.5% ang PI nung kalagitnaan ng July matapos magbago ang design ng mining app menu at profile page nila .

Pero makitid pa rin ang rebound. Sa nakalipas na 7 araw, bagsak pa rin ng 11.7% ang PI at nasa 29% ang ibinaba sa loob ng 30 days.

Pareho lang ang pattern sa mga naunang upgrade. In-activate ng Pi ang Protocol 25 noong July 22, at pumalo pa saglit sa $0.103 ang PI ilang araw bago ito tuluyang bumaba at di na bumalik sa $0.10 level.

Part ng dahilan kung bakit parang may price ceiling, ay dahil sa supply. Ayon sa PiScan data, nasa 4.25 million PI bawat araw ang nalalabas, at halos 1.71 billion PI pa ang papasok sa circulation sa loob ng 12 buwan.

Magdadagdag ng panibagong catalyst ang August 11 deadline para sa mga trader. Yung mga previous deadline, nagresulta lang ng mga short term na pag-bounce, hindi ng matinding trend, kaya lilitaw kung magbabago nga ito sa susunod na mga upgrade.

Disclaimer

Ang mga pananaw sa artikulong ito ay kumakatawan lamang sa mga personal na pananaw ng may-akda at hindi bumubuo ng payo sa pamumuhunan para sa platform na ito. Ang platform na ito ay hindi ginagarantiyahan ang kawastuhan, pagkakumpleto at pagiging maagap na impormasyon ng artikulo, o mananagot din para sa anumang pagkawala na sanhi ng paggamit o pag-asa ng impormasyon ng artikulo.
Nakaraang post

Nag-appoint ng Bagong Board Member ang Ethereum Foundation—Ano Kaya ang Gagawin Nya para sa ETH?

Susunod

Anong Pwede Mangyari Habang Bumababa ang US GDP at paboritong inflation gauge ng Fed Ngayon