Sabi ng Grayscale: May 3 Bagay ang Zcash na Wala si Bitcoin—Pwede Pa Raw Makakuha ng Market Share

abstrak:Grayscale Research nagsa-suggest na may 3 features ang Zcash na wala kay Bitcoin sa AI era, at pinredict nila ang ZEC ng $8,109 kung 10% market share.

Nakita ng Grayscale Research na may matinding chance ang Zcash (ZEC) na makakuha ng market share mula sa Bitcoin (BTC) dahil sa tatlong feature na wala sa pinaka-malaking digital currency ngayon.

Pumasok ang balitang ito matapos mag-launch ang asset manager ng unang spot ZEC exchange-traded product (ETP) at pumalo sa pinakamataas na presyo ng Zcash simula 2018.

Hawak ng Bitcoin ang 93% ng Currencies Sector

Hinati ng Grayscale ang mga crypto asset ayon sa use case gamit ang Crypto Sectors framework nila. Sa ngayon, hawak ng Bitcoin ang 93% ng Currencies category base sa market cap.

Kwento ni Head of Research Zach Pandl, mismong ang mga naunang nakalaban ng Bitcoin, tulad ng Litecoin (LTC), hindi rin naman naging matinding banta. Sabi niya, dahil sa lakas ng network effect ng Bitcoin, nananatiling maliit ang mga kakumpetensya niya. Marami sa mga investor, hindi na nagdi-diversify at puro Bitcoin lang ang hawak sa kategoryang ito.

Malaki pa rin ang agwat ngayon. Nagtitrade ang Bitcoin sa paligid ng $78,645, may market cap na nasa $1.58 trillion.

Malayo sa likod ang Zcash, kung saan nasa $790 ang trading presyo ng ZEC at may market value na mga $13.3 billion. Pang-12 ito overall sa rank.

Ibig sabihin nito, mas mababa pa sa 1% ng halaga ng Bitcoin ang ZEC. Naabot ng Zcash ang level na ito matapos tumaas halos 19x nitong nakaraang taon.

Pero base sa Grayscale, opportunity ito para sa competition, hindi automatic na wala nang laban ang Zcash.

3 Feature na Wala si Bitcoin, Ayon sa Grayscale

Inilarawan ni Pandl ang Zcash bilang second mover na may mga advantage na hindi nakayanan ng Bitcoin nung nag-launch ito. Pinaka-una sa lahat, privacy sa finance dahil konektado ito sa pagkalat ng AI-powered surveillance.

Pangalawa, patuloy pa rin gumagawa ang mga developer ng Zcash para protektahan laban sa cybersecurity risks, pati na yung mga future na banta tulad ng quantum computing sa klasikong cryptography. Pangatlo, ginagamit ng Zcash ang “intents” tech na makikita ngayon sa mga modern wallet.

“Hindi kelangan ng Zcash na widespread ang merchant adoption — puwede mo (o ng AI mo) gamitin to bilang private asset hub na may universal connectivity gamit ang intents,” paliwanag ni Pandl.

I-follow kami sa X para lagi kang updated sa latest crypto news

Grayscale Research believes Zcash $ZEC has a real shot at capturing Bitcoin $BTC market share.

@Zcash has second mover advantages Bitcoin doesn't:

↳ Financial privacy in an era of AI-powered surveillance

↳ Cross-chain reach through $NEAR Intents

↳ Active development against… pic.twitter.com/EezUCAdUET

— Grayscale (@Grayscale) August 27, 2026

Prediction ng Grayscale: ZEC posibleng Umabot ng $8,109 Kung Makakuha ng 10% sa Market Share ng Bitcoin

Sinubukan ng Grayscale i-calculate kung magkano ang puwede maging value ni ZEC kung makuha nito ang ilan sa mga feature na yon. Gamit ang estimate ng limang taong supply, tinataya nilang aabot sa $1,622 ang ZEC kung makuha nito ang 2% ng market share ni Bitcoin, at puwede namang abutin ng $8,109 kung umabot ng 10% share.

Tinatayang Price ng Zcash (ZEC) Batay sa Potensyal na Share ng Bitcoin Market Capitalization. Source: Grayscale Investments

Nagtitrade ang ZEC sa mga $790 nitong Friday, kaya kung mangyari yung prediction, posibleng lumobo ng 105% hanggang 927% ang kita rito. Nilinaw din ng Grayscale na hypothetical lang ang projections na ito at parang guide lang.

Itinuring pa rin ng kumpanya na high-risk ang asset na ito at nagbabala sila na hindi automatic o deretso ang pag-angat ng presyo. Kinilala din ni Pandl na malaking factor sa dominance ni Bitcoin ang transparency, simplicity, at liquidity nito.

Mag-subscribe sa YouTube channel namin para mapanood mo ang mga expert insight ng crypto leaders at journalists

Disclaimer

Ang mga pananaw sa artikulong ito ay kumakatawan lamang sa mga personal na pananaw ng may-akda at hindi bumubuo ng payo sa pamumuhunan para sa platform na ito. Ang platform na ito ay hindi ginagarantiyahan ang kawastuhan, pagkakumpleto at pagiging maagap na impormasyon ng artikulo, o mananagot din para sa anumang pagkawala na sanhi ng paggamit o pag-asa ng impormasyon ng artikulo.
Nakaraang post

Na-Bulabog ng FBI at DOJ ang Chinese Cyber Group na Um-atake sa Fed, NASA, at US Senate

Susunod

Ilang Araw Bago Magpalit ng CEO ang Apple, Biglang Nagpakita si Pikachu sa Apple Park