$248M Mutual Fund Pumasok sa Ripple—May Epekto ba Ito sa XRP?

abstrak:Kinetics Internet Portfolio, a $248 million mutual fund, disclosed in a new SEC Form NPORT-P filing that it purchased a direct equity stake in Ripple Labs—the company itself—rather than the XRP token. The fund acquired Class A common shares worth approximately $246,000, about 0.1% of its net assets, through over-the-counter platforms for accredited investors since Ripple remains private. The purchase coincides with Ripple's $750 million tender offer, which valued the company at $50 billion, and follows CEO Brad Garlinghouse's softened stance on a possible IPO. Institutional investors appear eager for private-market exposure ahead of any public listing. Meanwhile, SEC's proposed Regulation Crypto Assets framework and White House meetings have fueled optimism, with XRP trading near $1.11, up 10.6% in 24 hours.

Inanunsyo ng Kinetics Internet Portfolio, isang mutual fund na may assets na nasa $248 million, na bumili sila ng direct equity stake sa mismong Ripple Labs, hindi sa XRP, ayon sa bagong SEC report.

Importante ang pagkakaibang ito. Pinipili ng malalaking institusyon na mag-invest sa Ripple (yung kumpanya mismo), hindi sa XRP na token lang.

Ano Ba Talaga ang Pinapakita ng SEC Filing?

Ang Form NPORT-P ay quarterly report na dapat i-file ng mga registered investment fund sa Securities and Exchange Commission (SEC) para ipakita ang mga hawak nilang investments. Nag-file ang Kinetics nito bilang part ng Kinetics Portfolios Trust.

Bumili ang fund ng Class A common shares na direct na galing sa Ripple Labs. Dahil dito, nagmamay-ari mismo ang Kinetics ng parte ng kumpanya, imbes na ma-expose lang sila sa cryptocurrency na ka-pangalan nito.

Ayon sa SEC filing, nasa $246,000 ang value ng stake na ito—maliit na parte lang (mga 0.1%) ng kabuuang $248 million net assets ng fund.

Inanunsyo ng Kinetics Internet Portfolio ang direct equity stake nila sa Ripple Labs. Source: SEC

Pinapakita ng filing ang mga hawak ng fund noong June 30, pero dahil sa delay ng regulatory reporting, ngayon lang na-share ang info nitong August.

Dahil private company pa rin ang Ripple, nakuha ng Kinetics ang shares sa mga specialized over-the-counter platforms na para lang sa mga accredited investor na bumibili ng pre-IPO stock. Dito nakaka-buy ng shares ang mga institusyon kahit wala pang public listing.

Bakit Nagmamadaling Mag-Invest ang mga Malalaking Institusyon sa Ripple Ngayon?

Kasabay ng pagbili na to, napapansin din ang pagbabago ng tono mula mismo sa mga lider ng Ripple. Sa Wyoming Blockchain Symposium 2026, sinabi ni Chief Executive Brad Garlinghouse na mas neutral na ngayon ang view ng kumpanya sa posibleng pag-public list (IPO).

Garlinghouse said “we've been very happily private for a long time” when asked about an IPO. Not a no. After billions in acquisitions and a $3B shareholder tender offer, @Ripple's tone has quietly shifted from resistant to neutral. Watch this space.

— Ripple Bull Winkle | Crypto Researcher ???????? (@RipBullWinkle) August 19, 2026

Kung babalikan, iba ito sa dating statement ng Ripple. Dati nang sinabi ni President Monica Long na wala talagang plano ang Ripple mag-IPO dahil malakas naman ang finances ng kumpanya at wala pang klarong timeline para dito.

Nagkataon din na nangyari ang transaksyon kasabay ng $750 million tender offer ng Ripple para mag-buyback ng shares—at dito lumabas ang valuation na $50 billion para sa kumpanya.

Kasabay rin nito, tuloy-tuloy ang galaw sa regulation. Binuksan ng SEC para sa public comment ang proposed Regulation Crypto Assets framework, at nagkaroon ng closed-door meetings sa pagitan ng US White House at mga executives ng Ripple.

Sa gitna ng developments na ito, kitang kita na gusto ng institutional investors na makakuha ng exposure sa Ripple sa private market, imbes na hintayin pang mag-public listing ang kumpanya.

Samantala, umangat din ng todo ang XRP sa sarili nitong spotlight. Nagtetrade ang token malapit sa $1.11—up ng 10.6% sa past 24 hours ayon sa BeInCrypto data—dahil sa White House crypto summit at malalakas na ETF inflows na nagdala ng bullish sentiment sa buong crypto market.

Disclaimer

Ang mga pananaw sa artikulong ito ay kumakatawan lamang sa mga personal na pananaw ng may-akda at hindi bumubuo ng payo sa pamumuhunan para sa platform na ito. Ang platform na ito ay hindi ginagarantiyahan ang kawastuhan, pagkakumpleto at pagiging maagap na impormasyon ng artikulo, o mananagot din para sa anumang pagkawala na sanhi ng paggamit o pag-asa ng impormasyon ng artikulo.
Nakaraang post

Ibinasura ng tagapagtatag ng BitMart ang mga panawagan para sa audit dahil sa ulat ng mga gumagamit na naharang ang mga pondo at mga empleyadong hindi nabayaran

Susunod

Binance Staff Naiipit pa Rin sa UAE Kahit May $2B Support mula sa mga Emirati