Tuloy ang Pasok ng Pera sa XRP ETF, Pero Bakit Bagsak pa rin ng 40% ang Presyo?

abstrak:Los ETF respaldados por XRP registraron entradas netas de 27,29 millones de dólares en julio, completando cuatro meses consecutivos de flujos positivos. Aunque el token cotiza cerca de 1,08 dólares, ha caído un 40% desde enero, en línea con el desplome del mercado cripto. Las entradas totales alcanzan 1.500 millones de dólares, la mayor cifra entre los ETF de altcoins. Sin embargo, el precio no acompaña: el CEO de Grayscale, Peter Mintzberg, vendió sus acciones a 20,45 dólares, casi la mitad que otros ejecutivos en enero, y los indicadores muestran sobreventa récord. Además, los fondos de Solana compiten por capital. Aun así, el interés institucional persiste, aunque la recuperación dependerá del conjunto del mercado de altcoins.

Pumasok ang $27.29 million sa mga XRP-backed ETF nitong July, at apat na buwan na tuloy-tuloy ang net inflows nila.

Kahit malapit na sa $1.08 ang trading price ng token, bumaba na ito ng mga 40% simula January — sabay din sa pagbagsak ng buong crypto market. Pero marami pa ring umaasa na papasok ang matitinding institutional na pera at mga ETF products na ito para mag-push pataas sa XRP at ibang tokens.

Instituional Money

Ang kabuuang XRP ETF inflows ngayon ay nasa $1.5 billion na — ito na ang may pinakamalaking total sa lahat ng altcoin ETF products. Pero kahit ganun, tuloy pa rin ang pagbaba ng presyo.

Mula pa noong April, palaging top 1 o top 2 ang XRP funds pagdating sa monthly inflows, at halos walang lumalabas na pera. $81.59 million ang pumasok noong April, $131.94 million nung May, $59.46 million ng June, at $27.29 million ngayong July — medyo bumagal nga lang, pero tuloy pa rin ang positive streak nila.

Matinding inflows ang pinakita ng XRP ETF kahit bumabagsak ang presyo. Image Source: Coin Glass

Kita mo talaga yung consistency ng buying ng XRP ETF kumpara sa ibang tokens, kasi karamihan ng kapital sa market eh napupunta lang sa ilang piling token. Ilang smaller altcoin funds nga walang net inflows ngayong July, pero ang XRP kahit mabagal, tuloy pa rin sa pagdagdag ng pondo.

Bakit Hindi Sumusunod ang Presyo sa Inflows?

Kahit tuloy-tuloy ang demand para sa XRP ETF, hindi pa rin umaangat ang presyo ng XRP. Isa sa mga dahilan ay isang major seller — ang CEO mismo ng Grayscale na si Peter Mintzberg na nag-file para ibenta ang mga XRP ETF shares na nakuha niya bago ang official listing ng fund. Binenta niya ito sa $20.45 kada share, halos kalahati ng presyo kumpara sa ibang Grayscale insiders nung January.

Pareho din ng pinapakita ng momentum indicators — naabot ng XRP ang pinakamatinding oversold level nito sa record. Hati pa rin ang mga traders kung tapos na ba talaga yung sell-off o hindi pa.

May kompetisyon din talaga pagdating sa pera ng investors. Yung Solana funds, nakahakot ng nasa $1.15 billion mula nung mag-launch, at bumalik pa sa second place nitong July. Yung Hyperliquid funds naman, umabot sa mga $293 million ang nadagdag nung May at June, bago nakaranas ng unang monthly outflow nitong July.

Dominated pa rin ng Bitcoin (BTC) at Ethereum (ETH) ang kategoryang ito — $172 million at $365 million ang inflows nila ngayong July.

Ipinapakita ng tuloy-tuloy na buying sa ETF na hindi umuurong ang interest ng mga institutional players sa XRP. Pero kung aangat nga ba ang presyo, mukhang nakadepende pa rin sa kung makakabawi muna ang buong altcoin market.

Disclaimer

Ang mga pananaw sa artikulong ito ay kumakatawan lamang sa mga personal na pananaw ng may-akda at hindi bumubuo ng payo sa pamumuhunan para sa platform na ito. Ang platform na ito ay hindi ginagarantiyahan ang kawastuhan, pagkakumpleto at pagiging maagap na impormasyon ng artikulo, o mananagot din para sa anumang pagkawala na sanhi ng paggamit o pag-asa ng impormasyon ng artikulo.
Nakaraang post

Lahat ng Token na Dinelist ng Binance nitong Lunes, May Warning na Dati

Susunod

Bumagsak ang Bitcoin sa ilalim ng $63,000 sa kabila ng pag-asa sa kasunduan sa Iran habang ang mga pagkalugi ng Coldcard ay umuugong sa merkado